Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teresa Loyzaga Cesar Montano

Theresa wala pang puwang na patawarin si Cesar

HATAWAN
ni Ed de Leon

DIRETSAHAN iyon, sinabi ni Theresa Loyzaga na natutuwa siyang talaga na nagkakasundo na ang kanyang anak na si Diego at ang tatay niyong si Cesar Montano. Ikinatutuwa rin niya ang pagkakasundo ni Sunshine Cruz na kaibigan niya at ang dating asawa niyon na si Cesar, pero inamin niyang mukhang para sa kanya ay wala pang puwang para magkasundo sila ng aktor.

Hindi namin masisisi si Theresa. More or less, alam namin kung paano nagsimula ang kanilang relasyon at kung paanong natapos iyon, bago pa man niya isilang si Diego. Alam din naman namin ang dinaanan niyang hirap sa buhay dahil sa pangyayaring iyon. Totoo namang madaling magpatawad pero mahirap makalimot.

Kung tutuusin, kahanga-hanga pa nga si Theresa, dahil nananatili siyang kalmado sa kabila ng lahat ng kanyang dinaanan sa buhay, pero tama siya na hindi puwedeng biglain ang lahat. Maaaring dumating ang araw na makalimutan na rin nila ang madidilim na kabanata ng kanilang buhay, o tuluyan ding malimutan ang buong kabanatang iyon.

Basta kami bilib kami kay Tong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …