Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco

David Umamin: I Like Cute Girls

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA isang exclusive interview ng GMANetwork.com kamakailan ay inamin ng Maria Clara at Ibarra star na si David Licauco na mayroon siyang ‘sleep apnea,’ isang sleep disorder na tumitigil ng maraming beses ang paghinga ng isang tao habang tulog ito.

Bagamat hindi ito ang first time na ibinahagi niya ang tungkol sa kanyang kondisyon, marami pa rin ang nagulat. Hindi nila lubos akalain na sa likod ng kanyang magandang pangangatawan at nakahuhumaling na ngiti ay mayroon itong mabigat na pinagdadaanan.

Kitang-kita naman ang suporta ng fans para sa Kapuso actor dahil pinaulanan nila ito ng ‘Get Well Soon’messages.

Samantala sa guesting nina David at Barbie Forteza sa Fast Talk With Boy Abunda ay may hindi pinalampas na tanong si Boy tungkol sa posibleng panliligaw ni David kay Barbie kung sakaling hindi ito “in a relationship” sa kapwa Kapuso actor na si Jak Roberto.

Tanong ni Boy kay David, “Halimbawa lamang David, hypothetical, single si Barbie, liligawan mo siya?”

“I like smart and go getter na babae,” sagot ni David.

So, no?” birong hirit ni Barbie.

I like cute girls, simple lang,” nakangiting sinabi ni David.

Paglilinaw na tanong ni Boy, “Is it a yes or no?”

Ganoon si Barbie, so, yes,” mabilis naman na sagot ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …