RATED R
ni Rommel Gonzales
LITERAL na magiging malamig ang Valentine’s Day celebration ng primetime actress na si Carla Abellana dahil plano niya bumiyahe sa summer capital ng bansa, ang Baguio City.
Ito ang kinompirma nang tanungin ni Bea Alonzo ang plano niya sa February 14. Sumalang si Carla sa lie detector test, na mapapanood sa pinakahuling vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel.
Sagot ng isa sa bida ng Voltes V: Legacy, “[Kasama ko] barkada. May trip kami ng aking barkada, so mag-Baguio kami, my gosh! Since elementary barkada. So, ‘yung aking talagang pinaka-barkada, so sila ‘yung makakasama ko for Valentine’s [Day] ‘yun ang plans.”
Na-curious din si Bea sa kung ready to mingle na si Carla matapos ang divorce nila ni Tom Rodriguez. Kaya isa sa tanong niya sa polygraph test: “Ngayong single ka na, mayroon bang nagpaparamdam o naliligaw sa ‘yo?”
Tugon ni Carla, “Okay sa nagpaparamdam muna. Oo”. Truth naman ang resulta na lumabas sa lie detector test.
Sumunod na paliwanag niya, “Sa nanliligaw, wala!”
Sabat naman ni Bea, “Pero may nagsa-slide to your DMs?”
Sagot ni Carla, “Actually, hindi, random people, ‘yun ang ibig ko sabihin, na talagang all walks of life.”