Saturday , November 23 2024
Vilma Santos Christopher de Leon

Ate Vi sisimulan na ang pelikula nila ni Boyet, lilipad ng Japan sa March

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAALIWALAS ang mukha, maliksing kumilos, nasa porma, kaya paano mong iisipin kung makikita mo lang si Vilma Santos ngayon na 60 taon na siya sa showbusiness, ganoong kung ang pagbabatayan ay ang kanyang hitsura, mas mukhang totoo ang kanyang biro na, “it’s

hard to be 35 and remain georgeous.” Pero totoo naman, ganoon ang kanyang hitsura noong magkita kami noong isang araw, kahit na ipinagmamalaki pa niyang, “hoy lola na rin ako.”

Unahin na natin ang pinakamalaking balita tungkol sa Star for all Seasons, sa susunod na buwan, lilipad siya papuntang Kyoto, Japan, dahil doon ang kabuuang shooting ng kanyang comeback movie na gagawin niya with Boyet de Leon. Bagong investor sa industriya ang kanyang producer, pero sinasabi nga nila na kinuha niyon ang pinakamahuhusay na tao sa industriya.

Love story din tungkol sa mga OFW, pero kaya ko nagustuhan iba ang concept eh. Pareho kaming OFW ni Boyet tapos lalabas na we will fall in love sa edad naming ganito. Hindi pa-bagets ang kuwento. Ang dami na naming ginawang pelikula ni Boyet, pero ito naiiba talaga ang kuwento. Nagustuhan ko ang  material. Alam mo naman ako talagang sa material ako tumitingin.

Hopefully matapos namin iyan nang tuloy-tuloy, kasi inasikaso na naman nila lahat ng permit na kailangan namin para makapag-shooting nang maayos. Kukunan kasi entirety sa Japan, hindi gaya ng ginagawa natin noong araw na lahat ng exterior abroad, tapos iyong interior shots dito na lang itinutuloy. Iyan ang gusto nila roon lahat. Hindi na rin naman mahirap mag-shoot sa abroad, hindi kagaya noong araw na ang lalaki at mabibigat ang cameras at ilaw. Ngayon maliliit na lang ang gamit kaya ok lang mag-shoot sa abroad,” sabi ni Ate Vi.

Marami ang humahanga sa hitsura ni Ate Vi hanggang sa ngayon, paano nga ba niya name-maintain iyon nang siya lang dahil

siya naman iyong walang retoke ang mukha.

Takot ako sa ganoon eh, ayoko niyong mga retoke. Kung ano ako iyon na lang pero siyempre pinangangalagaan ko. I remember, isa iyon sa mga pangaral na narinig ko from a former movie queen, si Carmen Rosales, na incidentally lola ko sa mother side. Minsan nagpunta siya sa bahay namin at iyon ang kabilin-bilinan niya, huwag kang lalabas ng bahay nang hindi naka-ayos. You owe it to the public to look good. Gagawin mo iyan hindi lang para sa sarili mo, kundi bilang respeto rin sa mga kapwa mo artista, dahil napakasama na may makikitang artista ang mga tao nang hindi nakaayos.

“Isa pa, hindi ko ikinakaila iyan. Very particular ako sa ilaw, at sa anggulo ng camera. Kailangan iyon eh, hindi lang para

magpaganda, kundi para hindi naman sayang ang emotions mo sa pag-arte. Kaya nga kahit na gumawa ako ng indie, tinatanong ko, nasaan ang ilaw mo riyan. Ano ang angle ng camera mo. Coming from a respected movie queen like Carmen Rosales, na alam naman natin ang naabot ng popularidad, how can she go wrong? Iyan ang isa sa leksiyong natatandaan ko.

Si Manay Ichu naman, noong araw hands on siya sa mga damit na ginagamit ng mga artista sa Sampaguita. Nakikita ko iyong

magagandang gowns nila. Madalas sabihan ako ni Manay Ichu, ‘Vilma, dalaga ka na, kailangan nasa ayos lahat ng isinusuot mo in public.’

“Sinusunod ko iyon, hindi lang out of respect kay Manay Ichu, pero sinasabi nga niya ‘do it out of respect for your profession,” pagkukuwento pa ni Ate Vi.

Madalas man kaming magka-usap at magka-text, iba talaga ang kuwentuhang magkaharap kayo, kaya noong nag-text siya na, “magkita naman tayo nang face to face.” Wala na kaming nagawa kundi sumagot ng “oo.” After all si Ate Vi iyan.

About Ed de Leon

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …