MATABIL
ni John Fontanilla
KINONTRA ni Jane de Leon ang sinasabi ng karamihan na ang dahilan ng pagkatalo ni Celeste Cortesi sa katatapos na 71st Miss Univere ay dahil sa Darna costume nito sa preliminary competition.
Naniniwala si Jane na walang kinalaman sa pagkatalo ni Celeste ang Darna costume, marahil ay hindi pa nito time para maging Miss Universe. “I think, it’s not about the Darna, it’s not about the costume. I think, it’s not the right time for her for now.”
Dagdag pa nito, “Pero, I believe kay Celeste na mayroon pa siyang ipakikita sa ating lahat. Hindi lang ngayon, but soon, I really believe.”
Ang pagsusuot ni Celeste ng Darna costume ang pinagdiskitahan ng mga Pinoy na isa raw sa dahilan ng pagkatalo nito sa 71st Miss Universe, bukod pa sa matamlay na performance nito, ‘di magandang performance sa close door interview at walang kadating-dating na long gown.