Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie sumama ang loob sa mga natuwa na natigil ang show nila sa AllTV

HATAWAN
ni Ed de Leon

MASAMANG-MASAMA ang loob ni Willie Revillame dahil sa mga natutuwa pang pansamantalang matitigil ang mga show ng AllTV. Kasi ang tagal na naman nilang naka-test broadcast, wala namang pumapasok na commercials. Kasi masama pa nga ang kanilang signal na sa Metro Manila lang napapanood. Wala pa silang provincial relay, at maging ang NCR, mahirap kang makakuha ng magandang signal dahil hindi naman sila naka-full power, at saka ang ginagamit nila ay iyong nakuha nilang lumang analog transmitter ng ABS-CBN, na ibinenta sa kanila.

Si Willie naman talagang maraming kalaban noon pa man eh.

Hindi ba mas masahol pa nga noong nagkaroon ng gulo sa programa niya, na maraming namatay nang magkaroon ng stampede sa Ultra? Halos giba si Willie pero nakabawi naman noong mapunta siya sa TV5. Nakabawi siya nang husto noong makalipat siya sa GMA 7.

Nakakita siya ng magandang pagkakataon sa All TV, bukod nga sa kaibigan kasi niyang personal ang mga Villar. Eh sino ba ang

mag-aakalang made-delay ang ibang mga equipment na kailangan nila para matiyak ang magandang signal sa free tv. May cable channel din naman sila pero ang labanan talaga ay iyong free tv. Doon nakabatay ang commercial load mo. Kung wala nagtatapon ka lang ng pera. Iyon naman ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang AllTV na pagpahingahin na muna ang ibang shows. Ibabalik na lang nila iyon kung maayos na ang kanilang signal.

Siguro alam naman natin kung sino ang gumagawa ng issues laban sa AllTV. Hindi naman siguro mga taga-Kamuning iyan dahil hindi naman sumama ang loob nila noong umalis si Willie. Sino ba ang sumama ang loob?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …