MATABIL
ni John Fontanilla
GRABE ang kilig ni LA Santos nang magwagi bilang Best New Male TV Personality for Ang Iyo Ay Akin sa 35th PMPC Star Awards For Television kamakailan na ginanap sa Winford Hotel Resort and Casino.
Ayon kay LA hindi ito umaasa na manalo, ang ma-nominate lang siya sa kanyang kauna-unahang teleseryeng Ang Iyo Ay Akin ay napakalaking karangalan kaya naman nang manalo, kinilig siya.
Kaya naman nagpapasalamat ito unang-una sa Diyos, sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang very supportive mommy, sa ABS CBN, at sa Philippine Movie Press Club (PMPC) members and officers na nasa likod ng Star Awards for Television.
At sa kanyang pagka-panalo sa Star Awards ay mas naging pursigido siyang pagbutihin ang kanyang acting career, pero hindi naman nito iiwan ang kanyang singing career. Ngayong 2023 ay mas magpo-focus muna siya sa acting na dalawang pelikula ang kanyang gagawin at bagong teleserye.