ni Ed de Leon
HALOS gabi-gabi, naglalasing ang isang male starlet. Bukod kasi sa walang mangyari sa kanyang career, at ang nasasalihan niya ay puro indie na ang bayad sa kanya P5,000 lang bawat pelikula, at mga out of town shows ng mga bading, wala na.
Bukod doon masama ang loob niya dahil nalaman niya na kinakaliwa pala siya ng kanyang “boyfriend. Lahat halos ng kita ng
male starlet natatapon sa goodtime na kasama ang kanyang boyfriend, tapos nalaman niyang nakikipag-date rin pala sa ibang bading.
Kaya nga bukod sa naglasing, magdamag siyang hu hu hu sa kanyang car.