Monday , December 23 2024
Celeste Cortesi Jane de Leon Darna

Kailan naging national costume ang Darna?

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI naman siguro kasalanan ni Jane de Leon o ng mga gumagawa ng Darna sa ABS-CBN, iyong pagkatalo ni Celeste Cortesi sa Miss Universe. Hindi naman sila ang nagsabing magsuot ng costume ni

Darna sa national costume competition.   

Iyon ang alamin kung kaninong idea iyon, dahil kahit kailan, wala kaming alam sa kasaysayan na mga Flipino na nagsuot ng costume ni Darna sa alin mang panahon, maliban sa komiks, sa pelikula, at ngayon sa tv. Paanong naging national costume iyon?

Palagay din naman namin, hindi babaeng organizer ang nakaisip ng ganoon. Kung iyan nasa ilalim pa ng Binibini, ewan kung

maiisipan ni Stella Marquez Araneta iyong pagsuotin iyon ng Darna.

Bakit sa US ba inangkin na nilang national costume ang damit ni Wonder Woman? Anong bansa na ba ang gumawa ng ganyan?

Hindi dahil sinasabing hindi nakalipad nang husto si Darna, dahil sa binago nga siguro nila ang istorya at malayo na sa orihinal ni Mars Ravelo, maliban sa pangalan ng main characters, hindi nila na-build up nang husto si Jane. Ang totoo nakatatak pa rin sa isip ng tao ang huling artistang nag-Darna, si Angel Locsin.

Ang tindi naman kasi ng dating ni Angel noon. Hindi pa umaarte, nakatayo pa lang napapatunganga na sila.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …