Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Connie Angeles Ading Fernando

Connie Angeles maraming natutunan sa yumaong Ading Fernando

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBALIK-TANAW ang aktres /host/public servant na si Ms Connie Angeles nang gawaran ito ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award sa katatapos na 25th PMPC Star Awards for Television na ginanap sa Winfor Hotel Resort and Casino kamakailan.

Bahagi ng thank you speech ni Ms Connie ang experience at mga natutunan niya sa yumaong Ading Fernandonang makatrabaho nito.

Kuwento nga nito, kay mang Ading niya natutunana na in just 5 minutes ay kayang makapag-make-up and at the same time ay magbihis ng mabilis during taping.

Ibinahagi rin nito ang ilan sa kanyang mga naging shows sa telebisyon katulad ng Pen Pen De Sarapen na kung ilang beses ding nanalo sa Star Awards;  Kapwa Ko Mahal Ko, Yagit, Son of my Son, Lucky 13 atbp..

Sinabi pa ni Ms. Connie na ang pagtanggap niya ng Ading Fernando Lifetime Award ay katulad ng nilalaman ng kanyang paboritong kanta ng Hotdog na Panaginip na sinasabing, “Kung ito’y isang PANAGINIP ayoko ng magising.”

Kasamang tumanggap ni Ms Connie ng kanyang natatanging parangal ang kanyang pamilya mula sa kanyang kapatid na si Ms. Cristy Angeles, mga anak na si Camille kasama ang asawa at anak na si Raine gayundin ang mga taga-SM Foundation dahil Executive Director at Vice President ang dating host/aktres ng SM Investments Inc..  

Bukod sa pagiging host at actress, naging konsehal at bise alkalde ng Quezon City at naging producer ng ilang television shows katulad ng Pen Pen De Sarapen at Mrs. M si Ms Connie. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …