MATABIL
ni John Fontanilla
USAP-USAPAN sa apat na sulok ng showbiz ang naging post ni EB Babe Lian Paz kaugnay sa naging pahayag ni Paolo Contis sa bagong show sa Kapuso Network ni Kuya Boy Abunda na hindi siya nagsusustento sa dalawa niyang anak kay Lian.
Post ni Lian sa kanyang FB account, “I was moved from CCF’s international speaker when he shared that trials tend to make us or break us. As for my own life experience, maraming trials that “break me” but at the end of the day, just one call upon the name of Jesus and he will equip you to make it through!
“Do not be ashamed to pray because you are a sinner. Pray because of who he is!
“As you look back, masasabi mo, paano mo nalagpasan yun, but it’s all because God carried you amidst the storms.
“Salamat Lord!
“Happy Monday everyone!”
Kaya naman maraming netizens ang nag-isip sa sagot na ito ni Lian sa naging pag-amin ni Paolo na wala siyang komunikasyon at suportang ibinibigay sa mga anak niya kay Lian na sina Xonia at Xalene.
Nagawa pang magpasalamat ni Paolo kina Lian at John Cabahug sa pag-aalaga at maayos na pagpapalaki sa kanyang mga anak.