ni Ed de Leon
MAS gusto raw ng isang bagets na male star na kung sakali at may “booking,” out of town na lang. Una, nakapapasyal siya kung may “provincial bookings.” Tiyak din dahil malayo “mas malaki ang bayad sa kanya.” Ikatlo dahil malayo, “walang makakikilala sa kanya dahil hindi naman iisipin ng mga tao na may milagro siya roon.”
Iyon daw pala ang dahilan kung bakit ang kanyang “dates sa kanyang client” laging nasa mga probinsiya o kung talagang madatung ang bading ay sa abroad pa.