Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Dizon Ryza Cenon Gabby concepcion Sanya Lopez

Gabby lucky charm nina Sunshine, Ryza, Sanya  

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG sabihin nga nila, isa si Gabby Concepcion sa pinakasikat talagang actor sa Pilipinas. Sino ba ang mag-aakalang matapos siyang mawala ng 13 taon sa Pilipinas, dahil sa isang kasong hindi naman niya kasalanan kundi nadamay lang siya, ay makababalik pa siya sa dati niyang popularidad?

Hindi agad-agad, para siyang nagsisimula ulit. Pero nakatutuwa naman na nakabalik siya sa dati niyang popularidad at higit pa. May isang bagay pa siyang napatunayan, na kahit na sino ang itambal sa kanya, makakaya niyang dalhin. Hindi naman ganoon kalaking star noong araw si Sunshine Dizon, at lalo naman si Ryza Cenon, pero nang makasama nilang dalawa si Gabby sa isang hit afternoon series, biglang taas din ang kanilang popularidad, at siguro nga mas malaki pang stars ngayon kung hindi nga lang napaso ang franchise ng ABS-CBNna nilipatan nila noon.

Sino ba ang makapagsasabing maaaring leading lady si Sanya Lopez, pero matapos ang dalawang seryeng kasama si Gabby, star na rin si Sanya on her own. Ibig sabihin, naroroon pa rin ang lakas ni Gabby sa publiko.

Pero hindi dapat panghawakan iyan nang husto. Hindi dahil sa ganoon kalakas si Gabby dapat na niyang isugal ang kanyang career sa paggawa ng mga proyektong ang kasama ay kung sino-sino. Dapat pag-aralan niya ang lahat ng kanyang gagawin. Baka kung may makabatak sa kanya pababa, hindi na siya maka-remate ulit. Kailangang ingatan niya ang kanyang career dahil may mga anak pa siyang maliliit.

Kailangan ngang pangalagaan nang husto ang kanyang career at nagsisimula iyan sa kung anong proyekto na gagawin niya at kung sino ang makakasama niya.

Cuidado!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …