Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roderick Paulate

Apela ni Kuya Dick sa Sandigang Bayan ‘di kinatigan

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURO nga maraming tao sa showbusiness ang concerned sa kilalang actor na kaibigan din naman namin talaga na si Roderick Paulate, na medyo nabahala dahil sa balita noong isang araw na ibinasura ng Sandigang Bayan ang iniharap niyang motion for reconsideration matapos siyang hatulan nang mahigit na 60 taong pagkakabilanggo matapos na masabing guilty sa pagkuha ng ”ghost employees”  noong panahong siya ay isa pang konsehal, at dahil doon nawalan ang kaban ng bayan ng malaking halaga na umaabot sa milyong piso.

Ang tanong nila, makukulong na ba si Kuya Dick ngayong ibinasura na ang kanyang motion for reconsideration?

Hindi pa po. Sinabi lang sa motion for reconsideration na wala siyang bagong matibay na ebidensiyang iniharap na magpapatunay na mali ang akusasyon sa kanya, at dahil doon mananatili ang hatol ng Sandigang Bayan.

Iyan namang desisyon ng Sandigang Bayan, maaari niyang iapela sa Court of Appeals, at kung katigan pa iyan ng CA, maaari siyang umakyat at umapela hanggang sa Korte Suprema. Hindi rin po tama ang sentimyento ng iba na “marami namang gumagawa ng ganoon,”  dahil sa batas, hindi dahil ginawa ng iba at nakalusot, maaari mo na ring

gawin. Pero naniniwala kami na kung nagawa man iyon ni Kuya Dick, may mabigat na dahilan o hindi niya alam na may nalalabag na pala siyang batas. Alam naman natin na hindi rin talaga bihasa sa batas si Kuya Dick eh.

Sa ngayon, wala talagang magagawa kundi maghintay kung ano pa ang magiging hatol ng mas matataas na hukuman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …