MATABIL
ni John Fontanilla
NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama.
Hindi nagbigay ng detalye si Sophie nang ibahagi nila sa kanilang social media account, @itssophiealbert, @vinabrenica ang mga larawan sa espesyal na araw sa kanilang buhay.
Caption ng newly wed sa kanilang Instagram, “I have found the one whom my soul loves -Songs of Solomon 3:4.”
Bagamat parehong nasa showbiz ang dalawa, naging masaya ang kanilang pagsasama at walang naging issue o kontrobersiya, kasama ang kanilang anak na si Avianna, na ipinanganak noong March 15, 2021.