MATABIL
ni John Fontanilla
NAALALA namin si Rosanna Roces sa katauhan AQ Prime artist na si Emelyn Cruz sa pagiging matapang pagdating sa paghuhubad sa pelikula, walang kiyeme sa sex scenes at higit lahat prangka.
Sa katatapos na press preview ng Mang Kanor last Wednesday, January 25 sa Gateway Cinema, tahasang sinabi nito na nag-wet siya sa love scene nila ni Seon Quintos na ikinagulat ng lahat na imbitadong press at vloggers.
Pag-amin nito na mula sa utos ng direktor na love scene nila sa sofa ay nag-suggest at nagpadagdag ito ng love scene sa mesa at sa wall, kaya naman tumagal ng ilang minuto ang kanilang sex scene.
Wala ribg kiyeme ang former Playboy model sa paghuhubad as long as kailangan sa eksena at ikagaganda ng pelikula.