Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Dizon
Sunshine Dizon

Bashers sinopla ni Sunshine Dizon

MATABIL
ni John Fontanilla

NAKATIKIM ng maaanghang na salita mula kay Sunshine Dizon ang mga basher na kinukuwestiyon sa desisyon nitong gumawa muli ng proyekto sa bakuran ng GMA 7 pagkatapos nitong gumawa ng proyekto sa Kapamilya Network.

Ayon kay Sunshine wala silang problema ng GMA 7 dahil naging maayos ang kanilang paghihiwalay nang matapos ang kontrata niy at magdesisyon namang gumawa ng proyekto sa ABS CBN.

Dagdag pa nito na open naman siyang magtrabaho kahit saang network lalo na’t maganda  naman ang inihahain na proyekto sa kanya.

Napaso ang kontrata ni Sunshine sa GMA taong 2021 at hindi na ito nag-renew kaya naman nagdesisyon siyang tumanggap ng proyekto sa ABS-CBN.

“”Wag pong kuda nang kuda hindi mo alam ang real story. wala akong na burn na bridge.

“I can work with anyone I want to work with. I can also choose not to work kung gusto ko.

“‘Wag masyadong nagmamarunong. TY,” pagtatapos ni Sunshine.

At ngayong 2023 ay handa na muling magbalik-Kapuso si Sunshine at makakasama nga nito sa Mga Lihim Ni Urduja sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Gina Pareño, Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Michelle Dee, at Zoren Legaspi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …