Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JK Labajo Ako Si Ninoy Aquino

Ninoy Aquino hawig ni JK Labajo

MATABIL
ni John Fontanilla

KAABANG-ABANG ang bagong pelikulang hatid ng Philippine Stagers Foundation, ang Ako si Ninoy na pinagbibidahan ng singer/actor na si JK Labajo na ididirehe ni Vince Tañada

After ng matagumpay na pagpapalabas ng pelikulang Katips ay ito na nga ang kaabang-abang na pelikulang Ako si Ninoy, tungkol sa buhay ni dating Senador Benigno Aquino Jr..

Si Sen Ninoy si JK sa pelikula habang si  Sarah Holmes si dating Pangulong Cory Aquino. Kasama rin sina Johnrey Rivas, Marlo Mortel, Joaquin Domagoso, Sarah Javier, at Cassy Legazpi.

Makakasama rin sina Nicole Laurel, YM Yosures, Adelle Ibarrientos, Jomar Tañada, Vean Olmedo, Brae Luke Quitante, Bodgie Pascua, Jim Paredes, Pinky Amador, Lovely Rivero, Tuesday Vargas,Donita Nose, John Gabriel, Chris Lim, Carla Lim,Brylle Mondejar, Sharmaine Suatez, Lance Raymundo, at Ms Azenith Briones.

Ayon nga kay Direk Vince, “Kailangan natin ng bayani, ‘yung totoo, ‘yung hindi gawa-gawa, ‘yung hindi pinorma para mabago ang imahe ng pamilya, ‘yung bunga ng masusing research ng mga akademiko’t iskolastiko, ‘yung pinag-aralan ng mga historians, ‘yung subok ng bawat Filipino noon at ngayon!”

Dagdag pa ni direk Vince, marami silang pinagpilian para gumanap na Ninoy pero si JK ang pinili nila dahil katulad ng dating senador, good speaker din ang singer at halos parehas ang dalawa ng pagsasalita na may command. Kaya naman perfect choice si Jk sa role.

Nagulat nga sila dahil sa bukod sa mahusay kumanta si JK, napakahusay din nitong umarte  at nang maayusan para maging Ninoy ay kahawig na kahawig nito ang nasirang senador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …