ni Ed de Leon
MASYADO raw kasing maraming “events” ang isang male newcomer, na hindi naman masasabing napakalaki ng kinikita, dahil bukod sa dalawang indie na extra lang naman, ang iba pang napapasukan niya ay hosting o kaya ay bilang judge sa mga gay events. Pero gastos milyonaryo siya.
Ewan kung totoo nga ang nababalita na nadala na siya ng kanyang manager sa isang gay millionaire from Mindanao, na mahilig magdala ng boys sa abroad. At bukod doon mahusay din daw siyang humanap ng “ibang clients” na hindi na alam ng kanyang manager para hindi na siya hingan ng komisyon.
Ang sinasabi nga raw kasi ng newcomer, dapat na may komisyon lang ang kanyang manager sa mga trabahong showbiz, hindi na sa kanilang “sideline.”