HATAWAN
ni Ed de Leon
NATAWA naman kami roon sa sinasabi nilang mukhang nagpaparamdam na raw si Janine Gutierrez na nanliligaw nga sa kanya si Paulo Avelino. Hindi ba matagal na rin naman iyan. May panahon pa nga noon na nagbakasyon pa silang magkasama sa Amerika hindi ba? Kaya nga nagkaroon ng pagkakataon si Paulo na ipakilala na si Janine sa kanyang naging anak kay LJ Reyes, at sinasabing mukhang ok naman daw ang dalawa?
Bakit ipakikilala mo pa ang isang babae sa anak mo, at ikatutuwa mong ok ang pagtanggap nila sa isa’t isa kung hindi kayo magsyota?
Iyon bang ganoon na mga simpleng bagay lang naman na hindi mahirap intindihin, hindi pa matatanggap nang maluwag sa kalooban?
Hindi man sabihin nang diretsahan, mukhang maliwanag naman noon pa na magsyota na sina Janine at Paulo. Wala namang kaso iyon dahil sinasabi nga nila na may syota na rin naman si Rayver Cruz.
Mukhang masyado nang late iyang sinasabi nilang “pagpaparamdam” ni Janine.