Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid

Para kumita at maibalik ang ningning
JAMES REID DAPAT NANG MAGPA-SEXY

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG hindi naman masyadong napapansin ang bagong musika ni James Reid na inilalabas ng kanyang Careless Music. Maski na iyong sinasabi nilang mga collab na ginawa niya kasama ang ilang foreign artists hindi naman namin naririnig.

Noong araw ok ang mga concert niya, ok din ang CD niya pero hindi nmaikakaila na dahil pa rin iyon sa popularidad ng kanyang mga pelikula at love team nila ni Nadine Lustre. Hanggang ngayon naman, ang sinasabi ng kanyang fans ay pogi si James. Sinasabi rin nila na sexy ang kanyang dating.

Kaya may nagsasabi nga, tutal naman nasa tamang edad na siya. Sa birthday niya sa Mayo ay 30 years old na siya. Bakit nga ba hindi pa niya subukang magpa-sexy nang husto. Hindi naman siguro siya dapat sumabak sa mga indie na kahalayan talaga gaya ng ginagawa ng iba, iyong medyo sexy lang. After all nag-retire nga si Derek Ramsay at baka puwede niyang saluhin ang mga ganoong roles.

Tingin din namin kakagatin si James kung magpapa-sexy siya. Tama iyong mataas niyang ambisyon, pero kailangan niyang kumita ng pera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …