Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Panganiban Glaiza de Castro

Angelica negative na sa Covid

HATAWAN
ni Ed de Leon

SI Angelica Panganiban pala ang talagang nag-organize ng isang shower party para sa kaibigan niyang si Glaiza de Castro. Masaya naman ang party, ang dami na nilang nai-share na videos at photos sa social media.

Pero pagkatapos niyon, bagsak si Angelica, diretso siya sa isolation dahil nag-positive siya sa Covid. Pero mukhang hindi naman niya sa shower party nakuha iyon dahil wala namang ibang nag-positive sa covid doon sa ibang naroroon sa party.

Mahirap talaga iyan mga bagong subvarient ng covid ngayon dahil sinasabi nga nila na mas madaling makahawa. Kung sabagay ang maganda naman, mahawa ka man hindi naman malala ang symptoms.

Ewan kung madidiskubre pa kung saan nahawa si Angelica, pero sa palagay namin malabo na iyon dahil wala naman siyang natatandaang isang okasyon na masasabi niyang nahawa siya.

Kung tutuusin wala namang naibang tao roon kundi iyong grab rider na nag-sexy dancing bilang katuwaan.

Pero sa latest na tests, sinasabing nag-negative na raw si Angelica. Mabuti naman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …