Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nick Vera Perez

Nick Vera Perez iniwan ang pagiging Nurse para personal na maalagaan ang inang may sakit

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGING matagumpay ang One Night Only Christmas Dinner Show…Nick Vera Perez Finally…LIVE! ni Nick Vera Perez na ginanap last December 25 sa Grand Hall ng Rembrandt Hotel.

Kasabay ng concert ni Nick ang surprised birthday celebration ng pinakamamahal niyang ina na si Visitacion Tan(Mommy Vi) na naluha sa handog ng kanyang anak.

Marami ang na-touch at naluha nang 

magpasalamat si Mommy Vi sa kanyang anak sa love and support. Iniwan ni Nick ang kanyang profession bilang Head Nurse para personal na maalagaan ang kanyang ina nang magkasakit ito.

At kahit naging emosyonal sa pagsisimula ng concert ni Nick ay nagtuloy-tuloy naman ang saya nang umawit si JC Palanas ng  Pasko sa Pinas at Sana Ngayong Pasko.

Hindi naman nagpakabog si David Briones nang awitin nito ang Bibingka at Officially Christmas. Glamour and sassy naman ang performances na ibinigay ni Lumina Klum.

Teary eyed naman ang international singer na si Nick nang awitin nito ang I’ll Be Home for Christmas dahil after 30 years ay muli siyang nakapag celebrate ng Pasko sa Pilipinas.

Inawit din nito ang Oh, Holy Night, My Reason Is You, I Got Your Love This Christmas, Ikaw Lang Ang Mahal, 12 Days of Christmas, Laging Ikaw, Jingle Bell Rock, Nothing’s Gonna Change My Love For You.

Habang kinanta naman ng kapatid ni Nick na si Michael Philips ang awiting nitong Please Naman. Napasayaw din ang lahat sa kanta ni Hannah Shayne Banzon ng Kumukuti-Kutitap at Give Love On Christmas Day.

Nakadagdag-saya rin ang awitin ng Ivory Recording Artist na si Erika Mae Salas ang Rocking Around the Christmas Tree at The Christmas Song.

Mas exciting pa lalo ang raffle time na may nagwagi ng  cellphone, Luxent Gift Certificate, electricfan, kettle, iron, basket of groceries, chocolates, Wensha GC, at cash na P10K, P5K, P2K, P1K at P500.

Nag-enjoy din ang mga entertainment press na nag-participate sa kantahan, pa-games and raffle. 

Binigyan din ng importansiya ni Nick ang NVP angels sa pamamagitan ng pagkorona kina Ms. Tine Parinas (Ms. NVP1SmileWorld 2020) at Ms. Chung Chai -Yu (Ms. NVP1SmileWorld 2022). Present din si Yadni Gumera Oledom (Ms. NVP1SmileWorld2019 ).

Ang ganda ng flow ng show, digital na talaga ngayon dahil tuloy-tuloy sa tulong ng musical director na si Adonis Tabanda. At maraming napabilib sa husay umawit at mag-perform ni Nick.

Kaya naman sa darating na Oct. 20, 2023 ay muling babalik ng Pilipinas si Nick para sa isang napakalaking concert na kukunin ang Asia’s Songbird na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …