Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de Leon Nora Aunor

LOTLOT ‘DI TOTOONG ‘DI DINALAW SI NORA NOONG PASKO;
Gusot sa pamilya umaasang maaayos

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGKASABAY kami ni Lotlot de Leon na pumunta sa presscon ng That Boy In The Dark at sa sasakyan pa lang ay sinabi na namin sa kanya na tiyak na uusisain siya tungkol sa isyu nina Matet de Leon at ng mommy nilang si Nora Aunor.

Ito ay ang naging mainit na isyu na pagkakaroon ng tuyo in a bottle business ni Nora kahit na may naunang kaparehong produkto si Matet na naging dahilan ng hidwaan ng Superstar at ng kapatid ni Lotlot.

True enough, iyon ang unang naitanong kay Lotlot matapos ang panel interview sa members of the cast ng That Boy In The Dark na kinabibilangan nina Joaquin Domagoso, Glydel Mercado, Aneeza Gutierrez, at Kiko Ipapo.

“Alam niyo naman pagdating sa pamilya walang panalo.

“I guess it’s a matter of looking at the bigger picture. May dahilan ang lahat. That’s how I look at it na lang. I hope eventually maayos ang dapat maayos.”

Pumapagitna ba si Lotlot sa hidwaan ng mommy nila at ng kapatid niya, o may kinakampihan ba siya?

“Ganito na lang. Wala sa kapatid ko ang masasama ang ugali. Lahat ng kapatid ko, sina Ian, si Ken, Matet, sobrang magaganda ang puso niyan kasi si mommy din ang nagturo sa kanila na maging maganda ang puso.

“Ang mga kapatid ko are all good people and willing to sacrifice.

”Minsan kung may mga nabibitawang salita maybe that’s because of whatever pain, miscommunication, ‘yung mga natatago ba na hindi nasasabi.

“But family is family and at the end of the day wala namang hindi naaayos.”

Hindi na nila napag-uusapan ni Matet ang tungkol sa isyu.

“Parang okay naman siya. Tahimik lang siya. Nagbatian kami ng Merry Christmas. You know proseso ‘yan, eh. Hindi ko puwedeng sabihin kay Matet kung anong dapat niyang maramdaman. Kanya -kanya tayo.”

At isang paglilinaw, hindi totoo na hindi man lamang pinuntahan ni Lotlot ang Superstar noong Pasko.

Pagkagaling nina Lotlot at mister niyang si Fadi El-Soury sa mga anak nina Lotlot at Ramon Christopher na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez ay pupunta dapat sina Lotlot at Fadi sa bahay ng Superstar pero si Nora na mismo ang nagsabi sa kanya na huwag na dahil masama ang kanyang pakiramdam at ayaw nitong mahawa iyon ng kanyang sakit.

Kuwento pa nga ni Lotlot, “Nagkita kami ni mommy bago mag-Pasko. Previous to that ilang beses na rin kami nagkita.

“During Christmas eve I spent the eve with the kids, after I called [my mom] I said can I drop by and then sabi niya masama pakiramdam niya so, sabi ko ‘pag okay na lang siya.”

Kaya huwag naman sanang akusahan si Lotlot na kesyo hindi man lamang niya dinalaw ang mommy niya noong Pasko dahil malinaw na ang mommy niya ang nagsabi kay Lotlot na huwag itong pumunta.

Anyway, sa January 8 ang showing ng pelikulang That Boy In The Dark.

Ang pelikula ay sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr at produced ng manager ni Joaquin na si Daddy Wowie Roxas, sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …