RATED R
ni Rommel Gonzales
DALAWAMPU’t walong taon na mula nang maging tradisyon ng aktres na si Nadia Montenegro ang mamahagi ng pagkain sa mga kapuspalad tuwing bisperas ng Pasko.
Na sa halip na nasa bahay at nagno-Noche Buena tulad ng karaniwang ginagawa ng bawat pamilya ay nag-iikot si Nadia at ang kanyang mga anak, kapamilya, at kaibigan at namimigay ng Noche Buena package.
Binansagang Noche Buena Sa Kalsada, unang nabuo ito noong buhay pa ang mister ni Nadia na si dating Caloocan City Mayor Tito Boy Asistio.
Pero ngayong Christmas 2022 ay mga taong walang choice kundi ang magtrabaho pa rin sa bisperas ng Pasko tulad ng mga gasoline boy, Grab drivers, tricycle, at taxi driver at iba pa na magdamagan ang trabaho ang niregaluhan ni Nadia ng pang-Noche Buena.
Sa kanyang Facebook page, bilang pagbibigay-inspirasyon sa iba ay nag-post si Nadia ng mga litrato ng kanilang mabuting gawa kalakip ang mga sumusunod na caption…
“NOCHE BUENA SA KALSADA
This personal project of mine started in 1994 when Boy and I decided to prepare Christmas bags for our kababayans in Kalookan. To make the long story short…we are on our 28th year. Thanks to everyone who supported my mission over the years.
This year we decided to give to everyone who had no choice but to still work during Christmas Eve. Gasoline boys, grab drivers, tricycle and taxi drivers who stayed awake all night trying to make a living. God bless you all abundantly.
To God be all the glory! Happy Holidays to everyone. ”