HATAWAN
ni Ed de Leon
BAKIT daw walang naiwang pictures si Enrique Gil sa social media account ni Liza Soberano? Siguro nga dahil hindi naman sila magkasama ngayon, pero kung lahat ay nawala na, baka may ibang dahilan. Baka nga “wala na sila” o ang isa pang dahilan “may planong iba ang managers ni Liza ngayon at ayaw nila ng love team, after all hindi sila ang managers ni Enrique.” Ano man ang dahilan nila, wala na tayong pakialam.
Iyan namang si Enrique, dapat mag-isip na siya ng itatakbo ng kanyang career at huwag nang sumandal sa love team nila ni Liza, dahil Hollywood na nga ang pangarap niyon. Iba na ang priorities. Kung magsyota pa rin sila, iba na iyon kaysa ambisyon ngayon ng syota niya.
Hindi dapat sayangin ni Enrique ang kanyang career sa paghihintay sa syota niya. Dapat magplano na siyang mag-isa. Sayang dahil malakas naman ang following niya. Bakit niya sasayangin kung ano pa man ang maaabot niya sa kahihintay kay Liza?
Kung hihintayin niyang ma-realize niyon na wala rin pala siyang katutunguhan sa ambisyon niya at magbalik na rito, aba matagal pa iyon.