Monday , May 12 2025
Deleter Nadine Lustre

Deleter ni Nadine nangunguna

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA ang Viva Films entry sa Metro Manila Film Festival 2022, ang Deleter na pinagbibidan ni Nadine Lustre dahil simula nang magbukas ito sa mga sinehan ay laging sold out sa SM North Edsa Cinema.

Ayon sa tiketera at mga guard ng SM North Edsa Cinema, “Sir, umaga pa lang po sold out na ang tickets ng ‘Deleter,’ bukas agahan niyo na lang pumunta o kaya bili kayo ng advance ticket para sure na makakapanood kayo.” 

Number one nga sa SM North Edsa Cinema ang Deleter at tanging pelikula na nagso-sold out. Bukod pa sa halos lahat ng nakapanood na ng pelikula ang nagsasabing maganda ito at napakahusay ni Nadine.

Mukhang masuwerte nga si Nadine sa pagtatapos ng taong 2022, dahil bukod sa paghataw sa takilya ng kanyang pelikulang Deleter, tatlong parangal din ang natanggap niya, ang Outstanding Actress & Businesswoman sa Best Magazine Faces of Success; Best Pop Album sa 2022 Star Awards for Music; at sa Aspire Magazine Philippinesbilang isa sa Inspiring Men and Woman of 2022.

About John Fontanilla

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …