Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayanna Misola Sid Lucero Hershie de Leon

Ayanna Misola, Hershie De Leon, at Sid Lucero kaabang-abang sa Bugso

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ASAHAN ang maraming emosyonal na tagpo at nag-aalab na sex scenes sa Bugso, ang pelikulang magtatambal kina Ayanna Misola at Hershie de Leon, also starring ang two-time Gawad Urian Best Actor na si Sid Lucero. Ang dalawang baguhang aktress ay itinuturing na hottest stars sa Vivamax ngayon.

Si Ayanna ay gumaganap bilang si Estella, isang high-class prostitute. Kailangan niyang makaipon para makasama na niya ang kanyang anak sa probinsiya. Pero kailangan niya itong pagplanohan nang maigi dahil hindi madaling makawala sa kanyang boss.

Si Sid ay gumaganap bilang si Dado, lover at driver ni Estella. Hindi niya masyadong ramdam na mahal din siya ni Estella pero tinutulungan niya ito sa lahat ng bagay pati sa kanyang planong makauwi ng probinsiya. Pero bago pa sila makakilos, may isang tao ang papasok sa kanilang buhay.

Si Hershie ay si Baby, isa ring prosti na inilayo nina Estella at Dado sa bayolenteng customer. Pinatuloy nila si Baby sa kanilang bahay. Aakitin naman nito si Dado na siguradong magsisimula ng malaking gulo.

Bukod sa pagtataksil, may mas matindi pang haharapin sina Estella, Dado at Baby, na maglalagay sa kanila sa peligro.

Ang “Bugso” na mula sa direksiyon ni Adolfo Borinaga Alix, Jr., ang ikapitong pelikula ni Ayanna. Ibang level ito ng pagpapa-sexy para sa kanya. Makikita sa trailer ng pelikula na may threesome na magaganap. Ayon sa dalaga, nagsimula ang pagiging sobrang daring niya sa pelikulang “Kinsenas, Katapusan.” Kuwento rin niya na heavy drama ang pelikulang Bugso dahil ipinapakita nito ang daily life ng isang prostitute.

Itinuturing naman ni Hershie na biggest break niya ito matapos niyang makagawa ng anim na proyekto – pinagsamang pelikula at serye. Una niyang nakatrabaho si Ayanna sa pelikulang “Putahe.”

Saksihan ang banggaan ng mga emosyon sa Bugso. Mapapanood sa Vivamax simula December 30, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …