MATABIL
ni John Fontanilla
NAGLUKSA sa mismong araw ng Kapaskuhan si Teejay Marquez sa pagyao ng kanyang pinakamamahal na lola, si Lola Nene na yumao noong mismong gabi ng Kapaskuhan (Dec 24) dahil na rin sa matagal na iniindang karamdaman.
Bata pa si Teejay ay ang kanyang Lola Nene na ang nag-alaga at tumayong ina’t ama sa kanya kaya naman labis-labis ang pagmamahal nito sa kanyang lola.
Ang kanyang lola rin ang dahilan kung bakit kayod marino sa pagtatrabo si Teejay dahil gusto niyang ibigay ang lahat-lahat dito.
Pero sa pagyao ng kanyang lola, mistulang gumuho ang mundo ng aktor sa pagdadalamhati at sobrang sakit na nararamdaman.
Post nga nito sa kanyang Facebook, “Today she dances with angels.
” I’ve been holding back the pain because I chose to finish all my commitments before sharing this. I’m still in shock and lost of words about the passing of my grandmother. “Thank you nanay for everything at sa pag papalaki sakin we love you so much. ”