Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher de Leon

Ate Vi kinompirma balik-pelikula kasama si Boyet

HATAWAN
ni Ed de Leon

TIYAK na masaya ang naging Pasko ng mga Vilmanian, dahil si Ate Vi (Ms Vilma Santos) na mismo ang nagsabing magkakaroon siya ng isang pelikulang

katambal si Boyet de Leon sa unang quarter ng 2023. Ibig sabihin, pagkatapos ng bagong taon, at ang makakasama pa niya ay isang katambal na gusto ng fans. Isa pa, bagama’t mukhang mauurong na naman ang tv project na inaasahan dahil sa ilang problema, may mapapanood namang isang special na sadyang ginawa para sa kanyang 60th sa Pebrero.

Marami rin pumasok na mga bagong endorsements si Ate Vi, na kailangan niyang gawin sa first quarter. Mukhang babawian naman siya ngayon matapos ang matagal ding pahinga. Talagang humingi naman siya ng leave noong nakaraang taon pa. Isipin naman ninyo, ngayon lamang siya nakapagpahinga matapos ang 23 taon ng public service, Mas matindi iyon kaysa trabaho sa showbiz. Tapos alam naman natin na noong ready to work na siya, noon naman siya natamaan ng Covid kaya nagkaroon na naman ng delay ang lahat.

Ang nakatutuwa magca-comeback si Ate Vi sa isang totoong pelikula, hindi iyon indie. Iyon ang klase ng pelikulang hinahanap ng mga tao. Malaki ang casting, hindi binarat ang production at ginawa nang mahusay. Iyon naman ang isang bagay na sinisiguro ni Ate Vi, iyong ang gagawin niyang mga pelikula ay may katuturan. Minsan lang

siya gumawa ng indie, pero ginawa iyon bilang pakikisimpatya sa maliliit na artista sa pelikula. Hindi siya kumuha ng bayad sa

pelikulang iyon at sa halip nakiusap siyang iyong ibabayad sa kanya ay hati-hatiin para sa mga extra sa pelikulang iyon.

Ngayon balik siya sa pelikulang pang-sinehan talaga. Siya kasi ang inaasahan ngayon na tatapos sa slump ng industriya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …