MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang katatapos na Grand Lunching ng Jamsap Entertainment Corporation na ginanap last December 20 sa SMX Convention Center sa pangunguna ng CEO nitong si Jojo Flores at COO Maricar Moina.
Very promising ang 60 in-house talents na igu-groom ng Jams Artist Center na maging isang manining na bituin sa industriya, na rito sila hinahasa sa acting, singing, dancing, at hosting.
Ang Jamsap Entertainment ay binubuo ng Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines, Jams Basketball Training Camp, at Jams Artist Production.
Habang layunin naman ng Jams Top Model Philippines ang makapag-produce ng super models sa bansa via ramp model
competition, na ipinakilala ri nila sa entertainment press ang 300 kalahok mula sa iba’tl ibang panig ng bansa ang maglalaban sa Category 1 (aged 6-11 years old), Category 2 (aged 12 to 17 years old), at Category 4 (aged 18 to 25 years old).
para sa titulong Jams Top Model Philippines at maging in house artist ng Jams Artist Talent Center at mag-uuwi ng P500k.
Ang Jams Basketball Training Camp naman ay isang training center na layuning linangin ang potensiyal ng future basketball superstars. Nagkakaroon din sila ng Celebrity Basketball kasama ang ilang sikat na PBA Players, models, at actors sa bansa.
At sa pagpasok ng 2023 ay maraming proyekto ang gagawin ng Jamsap Entertainment Corporation. Gagawa sila ng pelikula, teleserye atbp. na pagbibidahan ng kanilang mga in-house talent at sila rin ang producer ng gaganaping 35th Star Awards for Television sa January 25.