Sunday , December 22 2024
Anne Curtis

Anne kailangang makabawi sa gagawing pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINISIGURO ni Anne Curtis na sa susunod na taon ay magbabalik siya sa mga pelikulang “drama”. Drama love story siguro ang tinutukoy niya, pero noong araw naman gumawa na rin siya ng mga pelikulang sexy. Iyon nga lang, hindi naman makikipagsabayan si Anne sa kagaya ng mga ginagawang sex movies sa ngayon.

Si Anne iyong artistang marunong umarte, at sabihin mo mang hindi umabot sa superstar status ang kanyang popularidad, kumikita ang kanyang mga pelikula at itinuring siyang isa sa pinakasikat.

Pero siyempre, may personal din siyang buhay na kailangang isipin. Nag-asawa siya at nagkaroon ng anak, na siyang dahilan kung bakit kailangan niyang talikuran sandali ang kanyang career. Kung mae-excite nga ang mga tao sa kanyang pagbabalik, malalaman natin iyan oras na gumawa at ilabas na ang kanyang mga pelikula.

Maraming nagawang hits si Anne. Kaso nga lang, iyong huli niyang pelikula na naisali pa noon sa festival at tumagilid din. Kailangan siguro sa muling pagsisimula ni Anne, iyong pambawi naman ang kanyang unang gawin.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …