ni Ed de Leon
IN bad taste naman iyong inilabas nila sa internet na video ng isang male star, na wala namang ginagawang masama at nagda-drive lang, pero ang inilagay na nag-post niyon ay pangalan ng isang male star na sikat din at matagal nang natsitsismis na berde rin ang dugo at may relasyon umano sa male star sa video.
Una, kung totoo man ang tsismis o hindi, personal na nilang buhay iyon at wala na tayong pakialam doon. Pangalawa, ipinagbabawal na ngayon sa ilalim ng ilang batas ang pagtukoy mong bading ang isang taong hindi pa naman umaamin ng ganoon.
Ang tingin ng marami sa ganyan ay “paninirang puri.” Siyempre iyong mga bading iba ang pananaw. Sasabihin ba nila na nakasisira ng puri ang pagiging bading? Pero para sa kanila iyon ay panggigipit sa isang bading.