MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPASAYA at nagpakilig si Marlo Mortel sa katatapos na Christmas Party ng Rancho Bravo Resort sa Theresa Rizal na pag-aari ng mag-asawang Cecille at Pete Bravo.
Apat na magagandang awitin ang nagsilbing regalo ni Marlo sa lahat ng mga tauhan at mga mahal sa buhay ng mga ito na dumalo.
Present ang pamilya nina Cecille at Pete kasama ang kanilang mga anak na sina Miguel, Jeru, at Matthe.
Bukod kay Marlo, nagbigay-aliw at umawit din sina Ima Castro, Jeffrey Diga, Pink Mannequin at nagsilbing host naman si John Nite. Habang dumalo naman ang Barangay LSFM DJ na si Janna Chu Chu at ilang members ng Kafam na sina Erlinda Sanchez at Benjamin Rosario with Xiantel.
Naging espesyal na panauhin ng gabing iyon sina Theresa Rizal Mayor at Vice Mayor.
Isa sa naging highlight ng Christmas Party ang labanan ng productions number ng mga tauhan ng Rancho Bravo at raffle draw na lahat ay nanalo at walang umuwing luhaan.