Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey de Leon Toni Gonzaga Paul Soriano Loinie

Joey mas gusto nang makilalang writer kaysa artista

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBALIK-TANAW si Joey De Leon sa kung paano nawala sa ere ang noo’y top rating show na Todas.

Kuwento ng Ace Comedian sa grand conference ng Ten 17 at TinCan Productions entry sa 2022 Metro Manila Film Festival movie, na My Teacher na ginanap sa the Winford Hotel Manila last Dec. 12, sponsored by Joed Serrano’s GodFather Productions at Hello Glow by Everbilena, “‘Yung ibang artista nag-aaway dahil late ‘yung isa. Wala sa akin ‘yang mga kuwento na ‘yan. Ako matindi. ‘Pag may nale-late, nilalayasan ko ‘yung show. Pinapasara ko.”

Dagdag pa nito, “Noong araw may show ako ‘yung T.O.D.A.S. sa Channel 13. Bakit natigil ‘yun? Dahil sa akin. Nagalit ako dahil na-late ‘yung ibang cast. Sabi ko tigilan na natin ito. So pinatigil ko ‘yung show. Hindi naman nila magawa na wala ako.

“Ang importante ngayon ‘pag-na-late ka, lalo na ngayon may cellphone naman, tatawag ka lang. ‘Ma-le-late ako.’

“Kasi ‘yung ibang artista sinungaling. ‘Nasaan ka na?’ ‘Pag tinanong mo, ‘nandito na ako sa EDSA.’ Pero actually nasa Bulacan pa ‘yun.

“Totoo ito. Seryoso ako. So, tatawag ka lang.

“‘Yung nangyari kasi noon sa ‘T.O.D.A.S.,’ may nakarating sa akin, nag-date lang pala ‘yung iba. Eh hindi tumawag. Wala pang cellphone noon. Puwede naman sila tumawag sa opisina. Ako kasi ang aga ko lagi sa set.

“So ayun, ipinasara ko. Sabi ko, ‘tama na, tigilan na natin ito. Wala ng taping next week.’l

Ibinahagi rin ni Joey na sa edad 76 ay mas gusto.nitong makilala bilang writer kaysa artista.

Wala na akong gusto pang mangyari sa career ko. Mas gusto ko ng makilala ako ngayon bilang writer kaysa artista,” pagtatapos ni Joey.

Ang My Teacher, ay pinagbibidahan nina Toni Gonzaga  at Joey with Carmi Martin, Kakai Bautista, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Kych Minemoto, Pauleen Mendoza atbp. Hatid ng Ten 17 at TinCan Production at idinirehe ni Paul Soriano. Mapapanood sa Dec, 25, araw ng Kapaskuhan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …