PANGUNAHING pinagmumulan at destinasyon ng child trafficking at pagbebenta ang Filipinas dahil walang pangil ang batas para parusahan ang pagsasamantala sa mga bata para sa paglalakbay at turismo.
Ito ang inilahad ni United Nations Special Rapporteur on the Sale and Sexual Exploitation of Children Mama Fatima Singhateh sa kanyang preliminary findings sa 11-araw pagbisita sa bansa.
“The Philippines remains a source and destination country for child trafficking, sale, sexual abuse, and forced marriage… and forced labor,” ani Singhateh.
Aminado si Justice Secretary Crispin Remulla na number one ang Filipinas sa child sex exploitation sa buong mundo pero aniya’y may ginagawa ang gobyerno para tugunan ang isyu.
Sa courtesy call ni Singhateh kay Remulla ay binigyan niya ang rapporteur ng “opisyal na liham” upang ipaalam sa kanya ang mga pagsisikap ng gobyerno ng Filipinas na tugunan ang isyu.
“We’re Number 1 in the world. Dapat mawala na ito. ‘Yun ang effort talaga ng gobyerno ni Pangulong Marcos na itigil na itong status ng Filipinas na nangunguna tayo sa child sexual exploitation,” sabi niya sa panayam matapos ang courtesy call sa kanya ni Singhateh at bigyan ang rapporteur ng opisyal na liham mula sa pamahalaan hinggil sa usapin.
Aniya, nagtutulungan ang DOJ, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI) para tugunan ang problema.
Noong Agosto, nagdeklara ang gobyerno ng Filipinas ng digmaan laban sa online na pang-aabuosng sekswal at pagsasamantala kasunod ng nakababahalanh pagtaas ng mga kaso.
Sinabi ni Singhateh, maaaring may under-reporting ng mga batang biktima ng pagbebenta at sekswal na pagsasamantala sa bansa dahil ang kahulugan at pagkakaiba sa pagitan ng mga terminong ito ay ‘hindi sapat.’
Inirekomenda niya ang pagkakaroon ng magkaibang batas sa pagitan ng pagbebenta ng mga bata at child trafficking.
Ipinunto rin ni Singhateh na ang mga pag-aasawa ng bata ay nangyayari pa rin sa ilang mga katutubo at etnikong komunidad dahil sa kanilang kultura at panlipunang pagbubukod, at iba pang mga dahilan.
“I look forward to more information on how the new Act will be implemented and enforced, and what measures will be put in place by the government to address the many reasons why child marriage is prevalent,” ani Singhateh.
Ang tinutukoy niya ay ang Republic Act 11596 o An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage and Imposing Penalties for Violations Thereof na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021.
Kaugnay sa teenage pregnancy, sinabi niyang inaasahan niyang makatanggap ng data sa eksaktong lawak at saklaw ng pagtatasa sa isyung ito.
Iminungkahi rin niya ang pagbibigay ng suporta sa psychosocial at pagpapayo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga batang may kapansanan; pagbibigay ng madaling pag-access sa edukasyon, kalusugan, at nutrisyon ng mga batang katutubo, etniko, at minorya; at pagpapataas ng kamalayan sa mga saloobin na walang stigma sa mga bata na miyembro ng komunidad ng LGBTQ.
Dagdag pa, binigyang-diin ng Special Rapporteur ang mga isyu sa ilegal na pag-aampon ng mga bata sa bansa, na aniya ay nagmula sa simulation ng birth records.
“I note alleged reports of birth registrations by authorities using and verifying the details of falsified information regarding biological parents,” sabi niya.
“Despite the Adoption Law, procedural gaps and factors have pushed parents to engage in illegal adoption and sale of their children,” dagdag niya.
Sa kabila ng lahat ng ito, binanggit ni Singhateh na ang Filipinas ay “nagsagawa ng kapansin-pansing pagsisikap na pahusayin ang patakaran, legal, at institusyonal na balangkas” upang protektahan ang bata laban sa mga anyo ng sekswal na pang-aabuso at pagsasamantala.
“The Philippines has ratified some of the major international documents of relevance to my mandate. It has made positive developments in the ambit of the legal framework with recent adoptions of the act prohibiting the practice of child marriage and online child sexual abuse and exploitation,” paliwanag niya.
Ang kanyang mga paunang obserbasyon ay higit pang ipaliwanag sa kanyang huling ulat na ipapakita sa Human Rights Council sa Marso 2024. (ROSE NOVENARIO)