MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYA si Enzo Pineda sa kanyang role sa Call Me Papi bilang si Sonny na isang sawi sa pag-ibig and at the same time ay looking for love.
Ayon kay Enzo, “I am happy to be part of this movie kasi I can relate with all the characters in it. May bits and pieces sa mga pinagdaraanan nila na naranasan ko rin.
“But in the end, this is a feel good movie about friendship and family that viewers can easily relate with,” ani Enzo.
At diyan ay iwas muna siya sa paggawa ng sexy movies lalo na’t sunod-sunod ang kanyang pelikula na nagpa-sexy siya at ito rin ang gusto ng kanyang GF na si Michelle Vito.
“She says kapag masyado akong na-typecast sa sexy roles, baka hindi na ako kunin for other kind of films and I think that she has a valid point.
“I understand naman where she is coming from. She’s conservative and just looks after my well being.”
Samantala, naging matagumpay ang premiere night ng Call Me Papi na maraming tao ang dumalo at nanood.
Maganda ang movie na puwede sa pamilya at barakada. Kumpletos rekados at may drama, kaunting pa sexy ang boys, kantahan at comedy at higit sa lahat ay may kapupulutang aral kapag pinanood mo ito. Bukod pa sa mahuhusay ang mga actor dito.
Kasama ni Enzo sa Call Me Papi sina Royce Cabrera bilang si Lito, Albie Casino as Ben, Lharby Policarpio as Mario, at Aaron Concepcion bilang Roy. Directed by Alvin Yapan. Mapapanood sa December 7, hatid ng Viva Films at Feast Foundation.