Monday , December 23 2024
Tirso Cruz III Liza Diño FDCP

Tirso Cruz III nag-umpisa na sa FDCP

OPISYAL nang naupo bilang Chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) si Tirso S. Cruz III noong July 21.

Nagkita si Cruz at si Outgoing Chairperson Liza Diño para pag-usapan ang paghahanda sa transition process. Sinamahan si Cruz ng kanyang anak na si Djanin Cruz, gayundin nina direk Joey Javier Reyes, Atty. Patricia Lejano, at Atty. Chris Liquigan. 

Isa si Cruz sa mga appointed officials na nanumpa sa Malacanang kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong July 5. 

Dadalhin ng veteran actor sa ahensiya ang mahigit limang dekada niyang experience sa film at entertainment industry. 

Sa pag-uusap nina Dino at Cruz kasama si outgoing executive director Ria Anne Rubia inayos nila ang FDCP’s ongoing programs at accomplishments nito noong mga nagdaang taln at napgkasinduan ang kung ano ang mga susunod na hakbang sa transition process. Inilibot din nila si Cruz sa Agency’s facilities kasama ang Philippine Film Archive’s film repository.   

Nagpahayag naman patuloy na pagsuporta si Diño kay Cruz, lalo ngayong transition period. 

Our team was able to present the FDCP’s programs and accomplishments for the last six years. With this new development, I would like to assure you of my continued support of this new leadership for a smooth transition,” ani Liza.

Nagpapasalamat naman ang dating FDCP chair sa lahat ng mga film industry workers na nagbigay ng suporta at tiwala sa kanya habang pinamumunuan ang ahensiya.

I would like to take this opportunity to thank everyone for your love, support, trust sa loob ng anim na taon ng aking panunungkulan,” ani Liza. “Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Mabuhay po kayong lahat at mabuhay ang pelikulang Pilipino. This is chair Liza, signing off.”

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …