Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juanetworx 2

Program line up ng Juanetworx kahanga-hanga

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI namin maikakaila, impressed kami sa nakita naming program line up niyong bagong streaming application na Juanetworx. Magaganda ang kanilang palabas na nagtutulak ng magandang values ng mga Filipino. Malinis na entertainment para sa mga Filipino, at higit sa lahat ang kanilang “Helpline,” na kahit na nasaang bansa ka o bahagi ng mundo, basta Pinoy ka at subscriber ng Juanetworx, maaari kang tumawag doon at ikaw ay mabilis na makatatanggap ng tulong sa kahit na anong emergency.

Impressed pa kami, dahil ang subscription nila ay P100 lang, mapapanood mo na ang lahat ng kanilang entertainment shows, malalaman ang pinakahuling balita sa Pilipinas, at matutulungan ka pa ng Helpline. Eh iyang P100, wala pang dalawang dolyar iyan sa abroad. Isipin ninyo iyon? Kaya iyang Juanetworx, hindi mo masasabing binuksan para pagkakitaan kundi para makatulong sa mga Filipino.

Ang isa pang impressed kami, walang kahalayan sa kanilang mga pelikula at serye. Wala kang makikitang kung sino man na magbubuyangyang ng kanilang ari. Kasi ang mga may-ari ay nakuha ang kanilang idea sa yumaong si Fr. Fernando Suarez na siya raw unang nagkaroon ng idea ng ganyang klase ng network para sa mga Pinoy.

At siyempre, may mga serye sila at pelikulang relihiyoso rin. Sana nga magkaroon din sila ng regular na misa sa kanilang channel para sa mga Pinoy abroad, lalo na iyong nasa mga bansa na bawal ang misa dahil sa state religion.

Sinubukan na namin, hindi pa lang kami makapasok, pero sinisiguro naming magiging isa kami sa subscribers niyang Juanetworx. Hindi namin palalampasin na mapanood at makinabang sa isang streaming na ganyan na talagang para sa mga Filipino.

Lahat ng Filipino, kung iisipin mo, dapat maging subscriber ng Juanetworx. Ang subscription rate nila, mas mura pa kaysa isang kahang sigarilyo, at hindi sila malaswa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …