Saturday , December 21 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Bihag ng Aboitiz?

PROMDI
ni Fernan Angeles

LUBHANG mahalaga ang enerhiya para paunlarin o ibangon ang isang bansang sukdulang inilugmok ng pandemya. Sa enerhiya nakasalalay ang lahat ng negosyo, paaralan, kalusugan at maging ang operasyon ng mga tanggapan ng gobyerno.

Gayondin ang puwesto ng Energy Secretary. Sa inilabas na opinyon ng Department of Justice (DOJ), kinatigan ng kagawaran ang nominasyon kay Atty. Raphael Lotilla na nagbitiw kamakailan bilang Independent Director (ID) ng dalawang kompanyang pasok sa negosyo ng enerhiya – ang Aboitiz Power at ENEXOR.

Ang totoo, walang kumukuwestiyon sa kakayahan ni Lotilla lalo pa’t minsan na siyang nagsilbing Kalihim ng DOE sa ilalim ng administrasyon ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang siste, taliwas sa Section 8 ng Republic Act 7638 (batas na lumikha ng DOE) ang inilabas na opinyon ng DOJ. Ayon sa naturang batas – “No officer, external auditor, accountant or legal counsel of any private company or enterprise primarily engaged in the energy industry shall be eligible for appointment as Secretary within two years from his retirement, resignation or separation therefrom.”

Sa kaso ni Lotilla, kare-resign pa lang niya. Do’n pa lang sabit agad.

At heto pa, sa artikulong isinulat sa Inquirer nito lamang nakalipas na taon ng tanyag na financial advisor na si Ma. Aurora “Boots” D. Geotina-Garcia ng MAGEO Consulting Inc., ipinaliwanag niya kung ano ang buod ng pagiging Independent Director.

Aniya, bukod sa pagiging kasosyo sa negosyo, tumatanggap din ng buwanang ganansiya ang isang ID na tulad ni Lotilla. Para kay Geotina-Garcia, higit pa sa pagiging empleyado ang koneksiyon ng isang ID na nagsisilbing tagapayo ng mga corporate executives tulad ng company president, chief operating officer (COO) at chief executive officer (CEO).

Hindi ako may sabi niyan ha. Nabasa ko lang sa Republic Act 11232 (Revised Corporation Code) na nagsisilbing bibliya’t gabay ng mga negosyong may kapital na P50 milyon pataas – tulad ng Aboitiz at ENEXOR.

Karaniwan a mga dambuhalang negosyo ang kumuha ng mga dating opisyal ng gobyerno sa kanilang board of directors. Marami sa mga dating Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), member of the board ng malalaking mining companies. Gayon din ang mga dating Kalihim ng DOE tulad ni Lottilla.

Bakit nga naman hindi? Malaki ang maitutulong sa kanila ng isang dating kalihim ng departamentong may saklaw sa kanilang negosyo. Dangan naman kasi, kabisado na nito ang paikot-ikot. Alam din niya kung kaninong pinto kakatok at kung sino ang puwedeng sa kanila ay umareglo sa tuwing may indulto.

Ang isang dating kalihim na board director ng kompanya, may impluwensiyang taglay na kailangan para makasilat ng mga dambuhalang kontrata.

Walang dudang nasa kamay ng Pangulo ang pagtatalaga ng Kalihim sa DOE. Sakaling tanggapin ni Lotilla ang posisyon, asahan ang kabi-kabilang kasong isasampa laban sa kanya bilang pagtutol ng mga consumer groups na sawang-sawa na sa sabwatan sa pagitan ng mga tiwali sa pamahalaan at mga negosyanteng mapagsamantala.

Ang tanong – handa na ba siya?

About Fernan Angeles

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …