Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sing Galing Kids may interactive Family Day sa Vista Mall Taguig

MAY bagong kiddie edition ang original videoke game show ng Pilipinas at may bonggang pagsalubong ang TV5para rito dahil sa Sabado, July 9, gaganapin ang masaya at interactive na Sing Galing Kids Family Day sa Vista Mall Taguig. Inaanyayahan ang mga bata at ang kanilang pamilya na makisali, makisaya, at makisalamuha sa cast ng  Sing Galing Kids kasama ang Sing Galing mascot na si Genie.

Sing Galing Kids kiddie pool Vista Mall Taguig

Mayroong iba’t ibang games, prizes, at musical entertainment ang Sing Galing Kids Family Day na tiyak kukompleto sa weekend family bonding ng mga magsisipunta sa Vista Mall Taguig ngayong Sabado. Tiyak mag-eenjoy ang mga kids sa limang AllToys booths at ang kiddie convention na may nakaaaliw na programang perfect para sa mga bata. 

Kasama rin sa event ang Meet and Greet ng Sing Galing Kids cast na pinangungunahan nina Randy Santiago, K Brosas, Donita Nose, Ethel Booba, Jona, Morissette, Gloc-9, Zendee, Queenay, Yoyo and Tyronia, at marami pang iba.

Pagpasok sa activity area, matatanggap ng mga kids ang kanilang Arkidia Passport na kokolektahin nila ang mga stamp mula sa iba’t ibang booths sa venue. Kapag nakakuha sila ng at least 3 stamps sa kanilang Arkidia Passport, mabibigyan sila ng stub (good for 1 kid + 2 companions) para ma-claim ang kanilang exciting gifts at prizes. 

Tampok sa limang interactive AllToys booths ang SG Bida-Star Videoke booth na ma-e-experience nila kung paano maging isang Singkulit, ang SG Singtoker booth na makakukuha sila ng stamp ‘pag nag-record at nag-upload sila ng fun Tik Tok dance, ang Arkidia Basketball shootout na kailangan nila mag-shoot ng 3 hoops, ang Art booth/Coloring Station na makagagawa ang mga kids ng kanilang version ng genie artwork, at ang SGK Photo Booth na makakukuha sila ng stamp kapag nakapagpa-picture sila ng wacky, cool, at fun photos habang naka-costume with Genie.

Mayroon ding mga food booths tulad ng Eggspert, WaffleTime, at iba pa. At dahil Family Day, puwedeng mag-relax ang mga mommy at daddy sa Sulit TV booth na maaari rin nilang malaman ang mga exciting offers ng Sulit TV.

Sumama sa masayang Sing Galing Kids Family Day na gaganapin sa Sabado, Hulyo 9, 1:00 p.m.. Para sa mga karagdagang detalye, maaaring bisitahin ang TV5 at Sing Galing sa Facebook at Twitter

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …