Sunday , November 17 2024
Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang linggo ang 19 doktor at mga nurse upang magsagawa ng eye surgical mission sa Borja Hospital na pinangunahan at inorganisa ng Philippine Gift of Life.

Ayon kay Fancy Baluyot, CEO ng Philippine Gift of Life, nagpatala ang 1,065 indigent na Boholano para libreng maoperahan ang kanilang mga mata sa eye surgical mission.

Sa 1,065 benepisaryo ng siyam na araw na eye surgical mission, 771 ang may katarata, 252 ang may pterygium, at 32 ang may cyst.

Ayon kay Dr. Maryann Ruiz ng Philippine Gift of Life, sumailalim ang mga pasyente sa screening at ocular biometry.

Nagpapasalamat ang Philippine Gift of Life sa Cebu Pacific na naging daan para sa tagumpay ng surgical mission sa pamamagitan ng paghahatid ng mga doktor at nurses mula sa Maynila.

Bahagi ng grupo ng mga volunteer na doktor at nurses mula Manila sina Dr. Federico A. Malubay, Dr. Reynaldo V. Capuz, Dr. Paulo Faustino A. Camacho, Dr. Anthony Lim, Leri Rafiel L. Ramos, Teresita Eunice M. Saguid, Erica Joy D. David, Dianne Barit, Kateleen P. Bona, Jenny Rose R. Puente, Cathrine P. Jingco, Jenny Lyn E. Asia at Ricky T. Marano.

“It is an honor to be a part of this medical mission. We want to help improve the lives of the communities we operate in and be there for them when the people need our assistance,” pahayag ni Carmina Romero, Corporate Communications Director ng Cebu Pacific.

Samantala, kasalukuyang may flight ang Cebu Pacific pitong beses sa isang araw mula Maynila patungong Bohol, at tatlong beses isang lingo mula Davao patungong Bohol (tuwing Miyerkoles, Biyernes, at Linggo).

Patuloy na naghahandog ang Cebu Pacific ng garantisadong abot-kayang pasahe sa kabuuan ng pinalawak nitong domestic network, at patuloy na nagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan ng lahat ng kanilang pasahero. (KARLA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …