Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SM Southmall Southtopia UFC

UFC GYM NASA SM SOUTHMALL NA
Plus, take a trip down good ol’ days of fun games and retro activities at #Southtopia post workout

SA PANAHON ngayon, mahalagang magkaroon ng mas aktibong lifestyle upang mapataas ang immunity ng isang tao laban sa iba’t ibang karamdaman. Sa patuloy na paglaban sa COVID-19, nararapat na panatilihin ang maayos na kalusugan.

Ito ang binigyang importansiya ni SM Supermalls President Steven Tan sa pagbubukas ng pinakabagong UFC Gym sa SM Gamepark sa SM Southmall.

“We are all fighters, and we are all fighting against COVID.  And one of the ways to win this fight is to keep yourself healthy. Thank you to the UFC Gym for giving us this platform to workout and live healthier lives,” pahayag ni Tan.

Dumalo sa pagbubukas ng gym nina UFC Gym CEO Adam Sedlack, UFC Gym Master Franchisee Mark Dayrit, UFC GYM Philippines CEO Mylene Mendoza-Dayrit, at Ms. Aura International 2021 Faith Garcia.

Nagsilbing host si Ms. Earth Philippines-Fire 2019 Alexandra Dayrit sa programang puno ng aksiyon dahil sa demonstrasyon ng iba’t ibang UFC Gym classes.

Samantala, ipinakita rin ng amateur boxers at mixed martial arts fighters ang kanilang mga talent sa ‘Musclecontest Philippines’ ‘King of the Fight 9.’

Itinakda ang 30 laban para sa mga baguhan na nabigyan ng pagkakataong maipakita ang kanilang talent sa isa sa pinakaaabangang grassroots combat sports.

Idinaos ang dalawang-araw na exhibition matches sa activity area ng SM Southmall.

“We’re thrilled to be working with the biggest mall developers in the market that is SM Supermalls. We are very excited to what we can accomplish here and if we do it right, we might be able to have a studio in every one of their malls in the Philippines. I am really looking forward to working out this brand with SM Supermalls and really continue to drive awareness on why fitness with an MMA spirit is such a great way to get in shape,” ani Sedlack.

Matatagpuan ang UFC Gym sa third level ng SM Southmall sa loob ng 2,500 sqm-interactive Game Park — ang pinakabagong leisure and entertainment space sa south of Metro Manila.

Bukod sa gym, nasa loob din ng SM Gamepark ang mga indoor sports at arcade game staples gaya ng 14-lane bowling area, billiards, archery, table tennis at marami pang iba.

Matapos mag-workout sa gym, maraming puwedeng pasyalan kasama ang pamilya at mga kaibigan sa SM Southmall.

Alalahanin ang nakaraan sa pamamagitan ng games at iba pang retro activities sa #SouthTopia ng SM South Mall hanggang 10 Hulyo.

Maglaro ng King’s Claw crane game sa Food Street Concourse at manalo ng #aweSM prizes! Makakukuha ng dalawang ticket para maglaro sa bawat P1,500 halaga ng napamili sa kahit anong tindahan sa SM Southmall o SM Malls Online.

Sa weekend, bibisita sa South sina Buzz Lightyear, Minions, at Thor. Maghanda para sa isang All-Star weekend dahil bibisita ang mga paboritong cartoon characters sa Outdoor Overdrive and Food Street Concourse ng SM Southmall mula 18 hanggang 25 Hunyo.

Upang makasama sila, magpakita ng alinman sa mga sumusunod: resibo na may minimum purchase na P500 mula sa alinmang SM Southmall store o SM Malls Online mula 1 Hunyo hanggang 9 Hulyo, cinema ticket na binili mula 1 Hunyo hanggang 9 Hulyo, o Outdoor Overdrive ticket na binili mula 1 Hunyo hanggang 9 Hulyo.

Mag-enjoy sa lahat sa pagbisita sa SM Southmall. Huwag mag-alala sa iyong kaligtasan dahil patuloy na ipinatutupad ng SM Supermalls ang #SafeMalling protocols sa buong bansa.

Maging up-to-date sa lahat ng masayang events sa SM Supermalls! Bumisita sa www.smsupermalls.com at i-follow ang @smsupermalls sa lahat ng iyong social media accounts. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …