MATABIL
ni John Fontanilla
NAGING matagumpay ang kauna-unahang ABAA Festival 2022 (All Binangonan Artist Association ) na ginanap sa National Rd. Brgy Calumpang, Binangonan, Rizal. Ito ang pagsasama-sama ng ilan sa mahuhusay na performers ng Binangonan, Rizal at ng mga sikat na banda sa Pilipinas. Hosted by DJ Acey.
Nag-perform ang Tanya Markova at Letter Day Story kasama ang mga ipinagmamalaking artists ng Binangonan tulad ng Andrøid-18, New Direction, Anonuevo, Trip to Mars, Boses Ng Rizal, OTS, Last Song Bea, Miguel, at 2202.
Ayon kay Russel Ynares, founder ng ABAA Festival layunin nilang makilala, ma- develop, maprotektahan, at matulungan ang mga artist sa Binangonan.
“To help all fellow Binangonan artist to release or produce their art/music to the public. And giving them a platform.
“Kasama rito ang mga Independent Artist ng Binangonan Rizal composed of singers/rap artist, painter, hiphop, bands, actor, and vloggers.”
Ilan sa mga proyekto ng ABAA ang pagkakaroon ng musical events, exhibit, Rapvent on Contest, and Indie film making.