HATAWAN
ni Ed de Leon
TAHIMIK na tahimik ang nangarap na maging MTRCB Chairman kung nanalo ang kanyang sinuportahang kandidato. Paniwalang-paniwala rin siyang mananalo iyon at nakatitiyak na siya sa ipinangako sa kanyang posisyon. Pero kung nanalo ang kandidato niya, sigurado nga kaya siyang magiging MTRCB Chairman?
“Baka hindi rin,” sabi ng isa naming source, dahil mukhang may ibang sinusuportahan para sa posisyong iyon ang mga malalaking businessmen na nasa likod ng mga sinehan.
Siguro naman kung hindi man siya maging MTRCB Chairman, baka naman gawin siyang tagapagpakain ng mga aso’t pusa sa Malacanang, sabi pa ng aming source.