Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla gusto nang ipa-annul ang kasal

HATAWAN
ni Ed de Leon

MATAGAL nang hiwalay sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Mas matagal na nga yata silang hiwalay sa ngayon kaysa panahong nagsama sila matapos na magpakasal. Iyan ang isang hiwalayang hindi inaasahan. Matagal silang nagligawan at naging mag-on. Ilang taon din naman iyon.

Pagkatapos nagpakasal na nga sila. Ni walang nabalitang nagkagalit sila. Nagsimula iyan nang magpunta si Tom sa Cebu upang mai-check ang kanyang ginawang financial investments. Inabot siya roon nang malakas na bagyo, at walang masakyang eroplano pabalik. Nang magbalik siya sa Maynila, tila wala nang narinig na nagsama pa silang muli.

Maraming espekulasyon. Ang una, nalaman daw ni Carla na may nakaraan si Tom sa ibang babae. Pero napakababaw na dahilan dahil nakaraan na pala, at nangyari iyon bago pa sila pakasal kung totoo man. Ang isa pang tsismis hindi raw nagkasundo ang dalawa dahil sa mga investment na ginawa ni Tom, na nag-alanganin daw ang kanyang financial status. Ang daming sinasabing dahilan, pero ang nakalulungkot nga lang, nagkahiwalay sila.

Ngayon may umuugong pang panibagong tsismis, mukhang gusto na nilang ipa-annul ang kanilang kasal. Kasal sila sa simbahan kaya’t kailangan nila ng annulment hindi lamang sa legal kundi sa simbahan din naman. Iyang annulment ay isang deklarasyon na ang isang kasal ay walang bisa sa simula’t simula. Riyan lalabas na kung ano man ang kadahilanan ng hiwalayan.

Pero ang tanong nga namin, may balak na bang mag-asawang muli si Carla o si Tom para sila magmadaling makakuha ng annulment?

Kung hindi pa naman, bakit hindi nila ipagpaliban iyang annulment na iyan at bigyan pa ng pagkakataon ang mga sarili nilang magkasundo? Iyang annulment kasi ay may masamang idinudulot. Napansin ba ninyo, may mga personalidad na magpapakasal, magpapa-annul, magpapakasal ulit, at magpapa-annul na namang muli? Parang

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …