Monday , May 12 2025
Vilma Santos

Ate Vi tutulong pa rin kahit wala na sa posisyon

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAABANGAN ng fans si Deputy Speaker Vilma SantosRecto sa huling sesyon ng Kongreso, lalo na nga’t iyon ay isang joint session para iproklama ang susunod na presidente at bise presidente ng bansa. Naroroon si Senador Ralph Recto pero si Ate Vi nga ay wala.

Bakit wala si Ate Vi ganoong nanunungkulan pa naman siya bilang congresswoman ng Lipa hanggang sa Hunyo 30?

“Simula pa noong pandemic, nag-a-attend ako ng sessions via zoom, dahil  sa mga ipinatutupad na quarantine noon lalo na nga sa mga kasing edad ko. Valid attendance naman iyon dahil nga sa mga restriction na itinakda ng IATF, at hanggang ngayon may covid pa rin naman.

“Iyon namang sessions na iyon ay halos ministerial na lang. Walang pagtatalunan doon dahil milyon-milyon ang lamang ng nanalo, wala namang matibay na usapan ng dayaan. Noong nakaraan may protesta agad dahil sa pagpapalit daw ng tauhan ng Smartmatic ng microchips sa computer ng server. Ngayon walang ganoon. Sa simula pa lang nagsalita na ang abogado ng ibang kadidato na iginagalang nila ang resulta ng eleksiyon at wala silang anumang objections. Kaya magbibilangan lang bilang kompirmasyon na tama ang unang bilang at tapos pagtitibayin iyan sa plenaryo.

“Kaya ang mas inaasikaso ko ngayon at sa tingin ko tungkulin ko sa mga mamamayan ng Lipa ay iyong smooth transition ng office ko kay Cong. Ralph. Ayoko namang pagdating niya roon kulang-kulang ang naisalin sa kanya.

“Nag-aayos din kami ng office. Si Ralph will stay in his former office in Lipa, samantalang iyong ginagamit ko noong office ire-retain ko pa rin. Dahil kagaya nga ng sinabi ko in my private capacity ay tutulong pa rin ako sa Batangas, hindi lang sa Lipa.

“Ang feeling ko nga, mas malaya akong makatutulong ngayon dahil wala na ang restrictions ng office ko,” sabi ni Ate Vi.

About Ed de Leon

Check Also

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …