HEY! Hey! Hey! What happened na sa mga artistang sumampa sa entablado with matching grand entrance sa kampanya ng isang presidentiable? To mention, nasaan na si Vice Ganda?
Super nagpagawa pa yata ng pink dress para sa naturang event at kung ano-ano pa ang sinabi just to convince people lalo na siguro sa pinaniniwalaan niyang millions of followers na sasakyan siya Sumakay kasi!
Kung sabagay, ganyan naman karamihan sa mga artista, kung saan may budjey, doon. Kung sino ang sikat, kakaibiganin. Iko-close nila tapos sila’y tropa na at best of friends na.
Hay! Siguro, kung wala lang dinaramdam si Kris Aquino, isa siya sa magpapatunay na napakaraming user sa showbiz at kapag wala na silang makukuha sa iyo, isasantabi ka na lang.
Naku, bawas-bawasan ang yabang at pagkalunod sa kasikatan at pera. Dapat grateful ka na galing sa puso at hindi kaplastikan at may purpose ang ginagawa.