MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA si Abby Viduya sa pagkapanalo ni Jomari Yllana bilang councilor ng District 1 ng Parañaque.
Sobra-sobra ang saya ni Abby dahil isa siya sa naging sobrang abala sa pangangampanya na halos katulad ni Jomari ay wala ring tulog sa paglibot sa kanilang distrito para mangampanya at tumulong.
Well loved si Jomari ng kanyang distrito kaya ito nagwagi, dahil na rin sa sobrang pagmamahal at pagtulong na ginagawa nito sa kanilang lugar.
Kaya naman ‘di nakapagtataka na isa ito sa muling nagwagi at naluklok bilang Councilor ng District 1 ng Parañaque, dahil bukod sa pagtulong ay marami pa itong gustong gawin para mas mapaunlad at mapaganda ang kanyang sinasakupan.