Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Nievera

Smile ni Martin makabuluhan ang lyrics

HATAWAN
ni Ed de Leon

MATAPOS ang mahabang panahon ng pananahimik dahil sa pandemya, finally may bago nang kanta si Martin Nievera, iyong Smile Again. Ang kanta ay komposisyon ni Homer Flores at si Martin mismo ang gumawa ng lyrics. Makabuluhan ang lyrics ng Smile Again, dahil sabi nga ni Martin, iyon ang kailangan natin ngayon. Isang masayang kanta na makapagpapaaalala sa ating ngumiti sa kabila ng mga problema natin.

Nang marinig namin ang kanta, ang naisip namin ay ang mga kanta niya noong araw na lahat ay naging malalaking hit, at nananatiling hit hanggang ngayon.

Bukod sa Smile Again, magkakaroon siya ng isang natatanging solo concert, ang kanyang kauna-unahang live concert sa Pilipinas pagkatapos ng pandemya. Ang concert ay naglalayong makalikom ng pondo para sa mga batang may sakit sa puso, na walang kakayahan na magpa-opera o kung ano mang treatment ang kailangan.

Pero bukod diyan, sa July 5 pala, 40 years na si Martin sa showbusiness, at sinasabi niyang magkakaroon din siya ng isang malaking concert bilang bahagi ng celebration na iyon.

Noong mapag-usapan ang sistema ngayon na ang musika ay imina-market na nga digitally, inamin ni Martin na ang nami-miss niya ay ang ginagawa nila noong araw na nagpupunta sila sa mga tv show at radio programs para sa promo. Bukod doon may mga mall show na nakakaharap nila ang kanilang fans, at napipirmahan nila ang mga CD at albums na binibili ng mga iyon.

“You wouldn’t believe it there was a time I signed albums for six hours, kasi lahat sila bumili, pumila and I don’t want anyone of them to be disappointed because I did not sign the album they bought,” sabi ni Martin.

Talaga naman kasing iyan si Martin kilala sa pagpapahalaga sa kanyang fans, kaya tingnan naman ninyo, hanggang ngayon sikat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …